Noong July 17, 2013 nabasa ko sa inquirer ang tungkol sa
extension ng SQA (Status Quo Ante) order para sa Reproductive Health law.
Nakakalungkot malaman na ang batas na tulad nito ay
tinututulan ng ilan sa ating mga kababayan sa pangunguna ng simbahang katoliko.
Ito ang link para sa buong ditalye:
kung aral ng Iglesia Ni Cristo ang pag uusapan ano kaya ang
sinasabi ng biblya ukol dito?
Ang bawat magulang na kaanib sa INC ay tinuturuan na maging
isang responsableng magulang sa kanilang mga anak.
Ilan dito ay ang pagbigay ng pangangailangan ng mga anak
(material, emosyonal at lalo na pang-espiritwal na pangangailangan); ang pag
laan ng magandang kinabukasan at ang paghubog sa kanila upang maging
kapakipakinabang na mamamayan.
Ayon sa Timoteo 5:8 New Pilipino Version:
“Sinumang hindi kumakalinga
sa kaniyang mga kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya, ay tumatalikod sa
pananampalataya at masahol pa sa hindi mananampalataya.”
Ang pagkalinga sa sambahayan ay ang pinaka malagang
pananagutan ng bawat magulang, tunkuling nila ang maglaan ng magandang
kinabukasan sa kanilang mga anak at ipagkaloob lahat ng kanilang pangangailangan
at dapat din matugunan ang pangangalaga sa kanilang kalusugan.
Kaya dapat pag usapan din ng mag-asawa ang bilang ng
kanilang magiging anak na ayon sa kanilang kakayahang pangkabuhayan at ang
agwat ng pagitan ng kanilang mga anak upang matupad ang pagkalingang kailangan
ng kanilang mga anak.
Kaya ang paggamit ng artipisyal na paraan ng pagpaplano ng
pamilya ay pinahihitulutan ito sa mag-asawang Iglesia ni Cristo.
Pinapayuhan sila na sumangguni sa sa mga doktor upang
kanilang malaman kung ano ang aankop at pinaka ligtas na pamamaraan para sa
kanila.
Bakit kailangan natin ngayon ang pagpaplano ng pamilya?
Marahil karamihan sa inyo ay sasang ayon sa akin na ang
paglago ng populasyon ng isang bansa ay kaakibat nito ang kahirapan.
Kung ang isang ama ng sambahayan ay maliit lang ang kinikita
o kaya ay walang matatag na hanap buhay, papaano nya tutugunan ang
pangangalangan ng kanyang pamilya kung ito ay lubhang napakalaki?
Labag ba sa aral ng Dios ang pagsupil sa pagdami ng mga
anak?
Ito ang naka sulat sa Genesis 1:28.
“At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi
ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at
inyong supilin;…”
Ayon sa banal na kasulatan hindi masama ang pagsupil sa
pagdami ng mga anak.
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang supilin?
Supilin – subdue or to bring under control.
Kaya ang ang pagsupil o pag control ng populasyon ay
hindi nakakalabag sa aral ng Dios.
Paano naman po ang abortion?
Ito po ba ay nakakalabag sa aral ng Dios?
Dito po sa Genesis 9:6 Magandang Balita Biblia:
“Sinumang pumatay ng kanyang
kapwa ay buhay ang bayad sa kanyang ginawa, Sapagkat ang tao’y nilalang,
nilikha Ayon sa larawan ng Diyos na dakila.”
Kung may buhay sa sinapupunan hindi po dapat alisin o i-abort
sapagkat buhay ng isang tao ang kinikitil.
At ang pagpatay isang malaking kasalanan at krimen.
Ang Natural Family Planning o Rhythm method pinahihintulot
ba sa mag-asawang Iglesia ni Cristo?
Sa 1 Cor. 7:4-5
“Ang babae ay walang
kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman
ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang
asawa.
Huwag magpigil ang
isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa
pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil
sa inyong kawalan ng pagpipigil.”
Ang talatang ito ay nalalabag ng Rhythm method dahil sa pag
pipigil ng mag-asawa sa pag tatalik sa mga panahong maaring makapag bunga ng
pagdadalang tao ng isang babae.
Kaya po ang mag-asawang kaanib sa Iglesia ni Cristo ay
pinahihintulutang gumamit ng contraceptives subalit ito ay dapat muna nilang
isangguni sa isang manggagamot na may sapat na kaalaman o kabatiran sa mga
bagay na nabanggit upang matiyak na ito’y di makakasama sa kalusugan at hindi
mag-bubunga ng abortion.
Hindi pinahihintulot ang pamamaraan na tinatawag na Abortifacient
o nakaka abort.